top of page
Nude 1 |
---|
Nude 2 |
Nude 3 |
Nude 4 |
The Nudes Series
by Gino Tioseco
2013
Mixed Media
20 inches x 13 inches
Ano Ang Nangyayari Sa Kaluluwa?
by Rebecca T. Anonuevo
(After The Nudes Series by Gino Tioseco)
Ano ang nangyayari sa kaluluwa, kung may kaluluwa,
Kapag umaalis iyon sa nakahapay na katawan?
At sasabihin kong may kaluluwa pagkat saksi ako
Nang magtulong-tulong ang matipunong pares-pares
Ng mga bisig sa pagbuhat sa maliit at kulubot
Na matandang babae sa nayon, ina ng mga henerasyon
Ng mga dating musmos na lumaki na’t nangag-asawa,
Nagkaanak, lumisan at lumipad sa ibang mga bayan.
Marami sa kanila ang hindi na bumalik. Marahil,
Mas magaang pa ang tuluyang paglipad ng kaluluwa,
Na ang tanging ininda ay ang pagkalas mula sa katawang
Lalagyan, tulad marahil ng pagkalas sa umpisa
Ng manananggal sa kaniyang katawan.
Impit na umuungol, naliliyo, bago pa natutuhang tanggapin
Na ang paghihiwalay ay di malayo sa pusikit
Na liwanag at dilim, tukso at kaligtasan.
Iyon ang parikala at misteryo ng di nakikita.
Kung di nakikita ay paanong maglalaho?
Sasabihin ng mga dumalaw, “Pumanaw na siya.”
Ngunit paano papanaw ang di makapaglalaho?
Humulagpos ang kaluluwa pagkat di na makasasapat
Ang katawan, na kung tutuusi’y siyang nakalagay ngayon
Sa kaluluwa; ang nakikita ng mata’y ang kulubot
At aligasgas ng balat, ang hanggahan ng panahon.
Noong nabubuhay ang matanda ay tila walang wakas
Ang busilak, buti, alab, pananalig na ubos-lakas.
Hinding-hindi siya matingki ng palalo’t maitim ang budhi.
Ganoon ang mga banal na hindi mangatngat ng bulok.
Maaliwalas ang mata, mainit ang palad, nanunuot ang panatag
Na pagtitiyak, naririto ako, naririto’t kapiling ninyo, kasalo sa hapag,
Hangga’t nagkakasya sa pandesal at kape ang lahat,
Sa karunungan, kuwento, umiikot, umiikot na halakhakan.
(2013)
Sa alaala ni Felipa Bernal Torres
Pagkatapos ng serye ng Nudes ni Gino Tioseco
=====
What Happens to the Soul?
by Rebecca T. Anonuevo
(After The Nudes Series by Gino Tioseco)
What happens to the soul, if there is a soul,
As it leaves a body prostrate?
I’ll say there is a soul because I am witness
To the heft and brawn, pairs of arms
That hauled the tiny and shriveled
Old woman in the barrio, mother of generations
Of children who had all grown up and got married,
Had children, left and flew to foreign lands.
Many of them never returned. Perhaps
The flight of soul is much lighter,
And the only thing it does mind is the detachment
From the body at the onset, not unlike the body
Of a manananggal disengaged from the waist.
It suppresses a groan, orgasmic, before the acceptance
That parting comes close to the parting of darkest night
And break of dawn, temptation and salvation.
That is the paradox and mystery of the invisible.
If something is invisible, how can it disappear?
The visitors at the wake will say, “She is gone.”
But how can anyone go if it can not vanish?
The soul breaks free because the body cannot
Contain it, which as it happens now, is contained
By the soul; the naked eye sees the crinkled
And flaky hand, the dead end of time.
In her life the old woman epitomized an unending
Purity, good, passion, faith with all her strength.
She could not be shaken by evil’s pride.
That is how rottenness fails to gnat at the holy.
Clarity of vision, warmth of palms, a piercing, certain
Promise: I am here, I am here with you, on the same table,
As long as everyone is pleased with coffee and pandesal,
Wisdom, stories, and laughter that makes the rounds.
(2013)
In memory of Felipa Bernal Torres
After the series of Nudes by Gino Tioseco
bottom of page